Add parallel Print Page Options

Ang Hiwaga ng Ating Relihiyon

14 Umaasa akong magkikita tayo sa lalong madaling panahon, ngunit isinulat ko ang mga ito 15 upang kung hindi man ako makarating agad ay malaman mo kung ano ang dapat na maging ugali ng mga tao sa sambahayan ng Diyos na buháy, sa iglesya na haligi at saligan ng katotohanan. 16 Hindi maikakaila na napakadakila ng hiwaga ng ating relihiyon:

Siya'y[a] nahayag sa anyong tao,
    pinatunayang matuwid ng Espiritu,[b] at nakita ng mga anghel.
Ipinangaral sa mga bansa,
    pinaniwalaan sa sanlibutan, at itinaas sa kaluwalhatian.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Timoteo 3:16 Siya'y: Sa ibang matatandang manuskrito'y Ang Diyos ay .
  2. 1 Timoteo 3:16 pinatunayang matuwid ng Espiritu: o kaya'y pinatunayang matuwid sa espiritu .